MANILA, Philippines — Lumobo ang bilang ng mga Pinoy na nawalan ng trabaho nitong buwan ng Hunyo, batay sa latest report ng Philippine Statistic Authority (PSA).
Ayon sa PSA, sumipa sa 3.76 milyon ang bilang ng mga Pinoy na nawalan ng trabaho nitong nakalipas na buwan kumpara sa 3.73 milyong jobless noong May 2021.
Ang unemployment rate sa bansa ay nananatiling 7.7%, ikalawang pinakamababa mula noong April 2020 makaraang maitala ang 7.1% noong March 2021.
Tumama ang pinakamataas na pagkawala ng trabaho ng mga Pinoy sa accommodation at food service activities; public administration at defense, compulsory social security; transportation at storage; financial at insurance activities.
Tumaas din ang underemployment noong Hunyo ng 918,000 o 6.41 million mula sa dating 5.49 million noong Mayo.