MANILA, Philippines — Dahil sa walang tigil na pag-ulan kahapon ay nalubog sa baha ang maraming kalsada sa lungsod ng Maynila na umabot hanggang tuhod ang ilang lugar.
Sa ulat ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), alas-12:40 ng tanghali ay umabot ng hanggang ‘gutter’ ang baha sa mga kalsada ng Avenida-Recto na nagdulot ng mabigat na trapiko.
Hanggang tuhod din ang baha sa United Nations Avenue-Taft Ave., at Taft sa harap ng National Museum kaya naging mabagal ang usad ng mga sasakyan na hindi madaanan ng mga maliliit na behikulo.
Hanggang gutter rin ang tubig-baha sa mga kalsada ng Sta. Cruz-Quezon Blvd., Pedro Gil st., Peñafrancia st., Quezon Blvd.-Adriatico St., at Kalaw-Maria Orosa street.
Ang iba pang nalubog sa gutter deep na baha ay ang P.Burgos South Blvd., PGH-Taft. Roxas Blvd-Quirino Service Road, Rizal Ave-Recto, Roxas Blvd-Pedro Gil, Bonifacio Drive-25th st., Roxas Blvd-Kalaw, A. Bonifacio-Sgt. Rivera, Aurora-Araneta, E. Rodriguez-Araneta at LRT Recto na tumukod ang trapiko.