MANILA, Philippines — May nakalaang premyo sa sinumang senior citizens at may comorbidities na magpapabakuna.
Ito ang inihayag ni Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano para mahikayat na magpabakuna ang mga nasabing indibwal bilang pag-iingat sa banta ng Delta variant na maaring makapinsala sakaling makapasok sa lungsod.
Ayon pa kay Calixto-Rubiano sa idinaos na virtual town hall meeting na dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang barangay, city hall departments at ilang tanggapan, na kasali rin sa raffle ang mga nakakumpleto na ng bakuna na senior citizens.
Maliban pa dito, may hiwalay na raffle din sa mga barangay na naka-100 porsyentong nabakunahan ang mga senior citizen at may comorbidities.
Tinalakay din ni Dra. Lim ang kasalukuyang sitwasyon ng kinatatakutang variant at mga hakbang upang hindi kumalat sa lungsod at mas paigtingin pa ang prevention, detection, contact tracing at recovery ng mga pasyente na tinamaan ng virus.