^

Police Metro

Moreno sa mga nag-iikot na pulitiko: Unahin ang tao bago ang sarili

Doris Franche - Pang-masa
Moreno sa mga nag-iikot na pulitiko: Unahin ang tao bago ang sarili
Bagama’t hindi partikular na tinukoy ni Moreno si Mayor Sara ngunit malinaw na pasaring ito sa alkalde na kamakailan lamang ay bumisita kay Cebu Go­vernor Gwen Garcia, na sinundan ng pakikipagpulong kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang bahagi umano ng “continuing consultations” kung saan kasama dito si Davao Occidental Go­vernor Claude Bautista ng Hugpong ng Pagbabago, ang regional party na binuo ni Mayor Sara.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pumabor ang isang grupo ng mga nurse sa bansa ng patutsada ni Manila Mayor Isko Moreno tungkol sa ilang pulitiko na nag-iikot na bilang paghahanda sa May 2022 election, gayong malaki pa ang problema sa COVID-19 pandemic at malayo pa ang eleksyon.

“Kalusugan ng tao muna bago ang eleksyon. Concentrate muna sa lahat ng paraan para maayos ang COVID-19 response. Dapat tao muna bago ang sarili,” pahayag ni dating Ang Nars Partylist Rep. Leah Paquiz.

Una na ring nagpa­tutsada sa mga mayor si Moreno na abala sa pag iikot-gayong may obligasyon sila na manatili sa kanilang mga siyudad na hindi dapat nag-iikot ikot sa kung kani-kaninong pulitiko o partido.

Bagama’t hindi partikular na tinukoy ni Moreno si Mayor Sara ngunit malinaw na pasaring ito sa alkalde na kamakailan lamang ay bumisita kay Cebu Go­vernor Gwen Garcia, na sinundan ng pakikipagpulong kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang bahagi umano ng “continuing consultations” kung saan kasama dito si Davao Occidental Go­vernor Claude Bautista ng Hugpong ng Pagbabago, ang regional party na binuo ni Mayor Sara.

Kamakalawa ay bumisita si Mayor Sara sa Zamboaga City para kamustahin ang mga sugatang sundalo mula sa bumagsak na C-130 at pumirma ng sisterhood agreement ng Davao at Zamboanga City sa pagitan ni Zamboanga Mayor Maria Isabelle Climaco.

Sa pinakahuling OCTA Research List na may petsang July 12 ay nangu­nguna pa rin ang Davao City sa mga local government units sa labas ng National Capital Region na may pinakamataas na COVID cases, lumitaw na 235 kada araw ang naitatalang kaso sa Davao habang umabot na sa 91% ang hospital Intensive care unit utilization rate.

ISKO MORENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with