Paglabas ng mga bata posibleng bawiin
Dahil sa banta ng Delta variant sa NCR
MANILA, Philippines — Matapos na matukoy ang dalawang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), muling magpupulong ang Metro Manila Council (MMC) ngayong Linggo upang pag-usapan ang kanilang magiging aksyon kung sususpidihin ang polisiya sa paglabas ng mga bata sa mga outdoor areas.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, magpapalabas ng desisyon ang mga Metro mayors base sa umiiral na health and safety protocols at gabay ng mga health experts.
“If there were cases [of the Delta variant,] we would
really have to review [the order] for the five-year-olds. We would really need to seek the guidance of the experts,” ayon kay Abalos.
Iginiit niya na kahit kaunti pa lamang ang namo-monitor na kaso, ngunit may totoong banta ang Delta variant ay kailangan pa rin na ipatigil ang paglabas ng mga bata.
Partikular din nilang pag-usapan ang kapasidad ng mga negosyo at paggalaw ng mga tao kasunod ng naturang banta. Bubuo rin sila ng mga panuntunan kung magkakaroon ng clustering ang mga Delta cases at pangangailangan na magkasa ng “granular lockdowns”.
- Latest