MANILA, Philippines — Muling pinalawig ni Pangulong Duterte ang general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR) mula ngayong araw hanggang Hulyo 31.
Iiral din ang GCQ sa Baguio City at Apayao sa Cordillera Administrative Region; Santiago City, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino sa Region 2; Bulacan sa Region 3; Cavite, Rizal, Quezon at Batangas sa Region 4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Guimaras at Negros Occidental sa Region 6; Zamboanga Sibugay, Zamboanga City at Zamboanga del Norte sa Region 9; Davao Oriental sa Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato at South Cotabato sa Region 12; Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, at Surigao del Sur sa CARAGA; at Cotabato City sa BARMM.
Inilagay naman sa GCQ, pero may “heightened restrictions” mula Hulyo 16 hanggang Hulyo 31, 2021 ang Cagayan sa Region 2; Laguna at Lucena City sa Region 4-A; Naga City sa Region 5; Negros Oriental sa Region 7; Zamboanga del Sur sa Region 9; at Davao City sa Region 11.
Ang Aklan, Bacolod City, Antique, at Capiz sa Region 6 ay nasa ilalim din ng GCQ na may “heightened restrictions” mula Hulyo 16 hanggang Hulyo 22, 2021.
Ang Bataan sa Region 3; Cagayan de Oro City sa Region 10; Davao Occidental, Davao de Oro, Davao del Sur, at Davao del Norte sa Region 11; at Butuan City sa CARAGA ay nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Hulyo 16, 2021 hanggang Hulyo 31, 2021. Ang Iloilo City at Iloilo sa Region 6 ay MECQ pero hanggang Hulyo 22, 2021 lamang.
Lahat ng mga lugar sa bansa maliban sa mga nabanggit ay inilagay sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) mula Hulyo 16, 2021 hanggang Hulyo 31, 2021.