MANILA, Philippines — Upang mabigyan ng market access ang mga social enterprises ng BPI Sinag ay pormal nang inilunsad ng BPI Foundation at Ayala Land, Inc (ALI) and kanilang partnership bilang pagtugon nito sa kilusang #BrigadangAyala.
“Through ALI’s Alagang Ayala Land program, our Sinag SEs can avail of free leasable space for three months to one year in any Ayala Malls nationwide, subject to certain minimum conditions.This mutually beneficial partnership will surely spark business opportunities for both parties as the SEs attract new markets to the Ayala Malls,” ani BPI Foundation Executive Director Owen Cammayo.
Ang top 10 winners ng BPI Sinag Spark business challenge ay mananalo ng hanggang P300,000 cash grants. Bukod pa dito ay magkakaroon rin sila ng MBA-like virtual training sessions at makakatanggap ng libreng leasable space for three months sa Ayala Malls.
Ang mga social enterprises na ito ay tumutulong na makapagbigay ng trabaho sa kanilang komunidad.
Sa nakalipas na taon ay mahigit 180 SEs na ang natulungan ng BPI Sinag sa larangan ng healthcare, food and beverage, education, energy, technology, agriculture, and manufacturing, atbp.
Maaaring mag-apply ang mga gustong sumali sa nasabing programa hanggang July 23, 2021. Bisitahin lamang ang bpifoundation.org/page/bpi-sinag.