Travel restrictions ng 7 bansa pinalawig

Inatasan din ng IATF technical working group na muling pag-aralan at magbigay sa mga rekomendasyon sa nararapat na testing at quarantine protocols para sa mga biyahero ng mga nasabing bansa at iba pang mga lugar na matutukoy na “high risk”.
The STAR/KJ Rosales

MANILA, Philippines — Pinalawig pa ng pamahalaan ang travel res­trictions ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman hanggang Hulyo 31, 2021 matapos na ito ay aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases.

Inatasan din ng IATF technical working group na muling pag-aralan at magbigay sa mga rekomendasyon sa nararapat na testing at quarantine protocols para sa mga biyahero ng mga nasabing bansa at iba pang mga lugar na matutukoy na “high risk”.

Matatandaang pinalawig hanggang Hulyo 15 ang travel ban sa pitong bansa bilang bahagi ng pag-iingat na huwag makapasok sa Pilipinas ang Delta variant ng COVID-19.

Pinaalalahanan naman ni BI Commissioner Jaime Morente ang airline companies na huwag nang magtangkang magsakay ng mga pasahero sa naturang mga bansa upang hindi mapatawan ng kaukulang mga parusa sa ilalim ng umiiral na batas.

Show comments