2-anyos pababa mataas ang tsansa na tamaan ng COVID-19

“Ang matataas na bilang po ng mga nagkakaroon [ng COVID-19] ay less than 2 years old and as the age increases, pagdating ng mga 15 years old hanggang 19 years old, doon pa rin nakikita natin na mas mataas kumpara sa ibang mga age groups,” giit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
UNICEF/Released

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH) na mas mataas ang tsansang tamaan ng coronavirus di­sease (COVID-19) ang mga batang may edad dalawa taong gulang pababa.

“Ang matataas na bilang po ng mga nagkakaroon [ng COVID-19] ay less than 2 years old and as the age increases, pagdating ng mga 15 years old hanggang 19 years old, doon pa rin nakikita natin na mas mataas kumpara sa ibang mga age groups,” giit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Aniya kasalukuyan pa ring pinag-aaralan ang dahilan ng mataas na kaso sa mga may edad dalawa taong gulang pababa.

Sa datos ng DOH nitong Hulyo sa COVID-19 cases, deaths, at recoveries batay sa pediatric age group: 0 to 4 age group: 12,554 cases (89 deaths, 11,971 recoveries) among females, 14,357 cases (129 deaths, 13,660 reco­veries) among males;5 to 9 age group: 13,164 cases (13 deaths, 12,598 reco­veries) among females, 14,806 cases (20 deaths, 14,208 recove­ries) among males;10 to 14 age group: 18,822 cases (30 deaths, 18,015 recoveries) among females, 19,597 cases (33 deaths, 18,760 recove­ries) among males;15 to 19 age group: 30,151 cases (60 deaths, 28,873 recoveries) among females, 28,436 cases (61 deaths, 27,290 recove­ries) among males.

Kamakailan, pinayagan na ng gobyerno ang paglabas ng may edad lima pataas sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.

“Nagkakaroon na sila ng issues both physically and mentally, at ‘yung kanilang developmental stages ay naha-hamper at naaapektuhan because of the lockdowns, because they cannot interact pro­perly with other people,” paliwanag ng opisyal.

“Kaya nagkaroon tayo ng rekomendasyon base sa mga eksperto na kasama natin, pero hindi po niyan ibig sabihin na binibigyan na natin ng laya ng sobra. Kailangan susunod pa rin po tayo sa mga pamantayan,” punto ni Vergeire.

Show comments