PNP paiiralin ang ‘maximum tolerance’ sa bagong IATF rules
MANILA, Philippines — “Paiiralin ng pulisya ang ‘maximum tolerance’ sa pagpapatupad ng bagong polisiya ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).”
Ito ang pangako ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar matapos na payagan ng IATF ang mga batang may edad lima pataas na lumabas ng bahay sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) and modified general community quarantine (MGCQ).
Ngunit maaaring pagbabawalan ng lokal na pamahalaan ang mga batang lumabas kung hindi maganda ang sitwasyon ng sakit sa lugar.
“‘Yung mga pulis na on the ground may kanya-kanyang position at lagi silang nagko-coordinate sa mga local government units,” ani Eleazar.
“Hindi lalabas na para bang napahigpitan na wala sa lugar. Ang flexibility na ito kasama ang maximum tolerance. At the end of the day, hindi dapat pahirapan ang kababayan. Sinasabi natin respeto lang sa isa’t isa sa pag-implement ng guidelines,” giit ng opisyal.
- Latest