^

Police Metro

Patakaran sa paglabas ng mga bata, pag-aaralan ng Metro Manila mayors

Ludy Bermudo - Pang-masa
Patakaran sa paglabas ng mga bata, pag-aaralan ng Metro Manila mayors
Parang mga ibong nakawala sa hawla ang mga batang ito at masayang nagsama-samang naglaro sa ibabaw ng naglalakihang tubo sa Baseco compound, Tondo, Maynila matapos payagan ng IATF ang 5-anyos pataas na lumabas ng bahay sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ at MGCQ.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Metro Manila mayors ang posibilidad na puwede nang gumala ang mga batang 5-anyos pataas sa mga open spaces at ilang establisimyento na may “heightened restrictions”.

Nabatid na magpupulong ngayong araw, Linggo ang mga alkalde para pag-usapan ang patakarang pagpapahintulot na makalabas ng bahay ang 5-anyos pataas sa kabila ng nararanasang pandemya.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque noong Biyernes na sa patakaran ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emer­ging Infectious Diseases (IATF-EID) ipatutupad ito sa ilang lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ), subalit hindi sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ na may heightened restrictions na kinabibilangan ng Laguna at Cavite.

Ani Roque, ang mga kabataang may edad 5 pataas ay maaari lamang magtungo sa ilang lugar subalit sila ay dapat may kasamang matatanda. Kabilang sa lugar ang beach, park, playground, outdoor tourism areas, biking at  hiking trails.

Kabilang ang NCR sa nasa ilalim pa ng GCQ hanggang Hulyo 15, 2021.

Sa bagong polisiya ng IATF,  maaari nang magtungo sa “outdoor non-contact sports” at kumain sa mga “alfresco dining establishments”.

Gayunman, ang mga malls ay patuloy pa rin sa pagpapa-iral ng patakaran na hindi maaaring makapasok ang mga may edad na mas bata sa 15 at patuloy ang pagtugon sa health protocols.

GCQ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with