Mandatory body cams ng PNP, aprub sa SC

MANILA, Philippines — Isang resolusyon na nagbibigay ng mga patakaran para sa mandatory na pagsusuot ng body camera sa pag-aresto at pagsisilbi ng search warrants sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ang inaprubahan na ng Korte Suprema.

Sa Supreme Court en banc, tinukoy ang mga alituntunin sa ilalim ng Administrative Matter 21-06-08-SC na may petsang Hunyo 29, 2021.

Sa resolusyon, ang mga pulis ay dapat mayroong suot na body came­ra ng kahit isa at isang alternative recording device upang maitala ang mga nauugnay na pangyayari sa oras ng paga-resto at search warrants.

Sa kaso ng kawalan ng kakayahang magamit ng body camera, dapat ay maghain ng mosyon sa korte na gagamit na lang ng alternative recording devices para sa makatuwirang dahilan.

Show comments