^

Police Metro

Black box ng bumagsak na C-130 iaanalisa ng 1-buwan sa US

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine Air Force na matatapos sa loob ng isang buwan ang pag-aanalisa sa flight data recorder o black box ng bumagsak na C-130 cargo plane sa Sulu matapos itong ipadala na sa Estados Unidos.

 “In less than a month lang po siguro ang hihintayin natin for the black box to be analyzed,” Air Force Spokesman Col. Maynard Mariano.

 Ayon kay Mariano, sa ngayon ay mahirap pang sabihin kung ano talaga ang sanhi ng pagbagsak ng C-130 Hercules cargo plane (5125) ng PAF hanggang hindi pa natatapos ang pag-aanalisa sa narekober na black  box sa crash site.

“We are doing every­thing to fast track the investigation,” ayon sa opisyal kaugnay ng patuloy na imbestigasyon sa nangyaring trahedya.

 Magugunita na bumagsak ang C-130 plane dakong alas-11:30 ng umaga noong Hulyo 4 matapos itong sumablay sa pag-landing sa runway ng Jolo Airport at dumiretso sa Sitio Amman, Brgy. Bangkal, Patikul kung saan tuluyang nahati at sumabog ang aircraft.

 Sa nasabing insidente, 53 ang nasawi kabilang ang 49 sundalo at 3 sibilyan habang 51 naman ang nasugatan kabilang ang 47 pang sundalo.

BLACK BOX

PHILIPPINE AIR FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with