^

Police Metro

Sa MGCQ at GCQ areas 5-anyos pataas pwede nang lumabas

Malou Escudero - Pang-masa
Sa MGCQ at GCQ areas 5-anyos pataas pwede nang lumabas
Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque matapos aprubahan ng Inter-Agency Task (IATF) on Emerging Infectious Diseases na pwede nang magpunta sa mga parke, playgrounds, beaches, biking at hiking trails, outdoor tourist sites at attractions na tutukuyin ng Department of Tou­rism, outdoor non-contact sports courts at venues, at mga al-fresco dining establishments.
AFP/Lakruwan Wanniarachchi

MANILA, Philippines — Maaari nang lu­mabas sa piling lugar ang mga batang 5-anyos pataas sa mga lugar na nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ) at General Community Quarantine (GCQ), maliban na lamang sa may mga “heightened restrictions”.

Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque matapos aprubahan ng Inter-Agency Task (IATF) on Emerging Infectious Diseases na pwede nang magpunta sa mga parke, playgrounds, beaches, biking at hiking trails, outdoor tourist sites at attractions na tutukuyin ng Department of Tou­rism, outdoor non-contact sports courts at venues, at mga al-fresco dining establishments.

Hindi kasama sa mga maaaring puntahan ng mga bata ang mga mixed-use indoor/outdoor buildings at facilities katulad ng malls at mga kahalintulad na lugar.

Kailangan ding may kasamang matanda ang mga bata at panatilihin ang minimum public health standards katulad nang pagsusuot ng face mask at social distancing.

Maaaring itaas ng mga local government units (LGUs) ang age restriction ng mga bata na puwedeng lumabas depende sa sitwasyon ng COVID-19 sa kanilang nasasakupang lugar.

GCQ

MGCQ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with