Face masks, shields malayo pang tanggalin sa Pinas — NTF

“Ang target ho na mag-advise na tanggalin iyong mask at saka face shield ay pag umabot tayo ng 50% ng target population… so, mga between 40-50 million, nasa three million pa lang tayo.”
The STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Dahil sa nasa apat na porsyento pa lamang ng target population ang bakunado ay malayo pang tanggalin ng bansa ang pagsusuot ng face mask at face shield.

“Mababa pa rin po iyan ano, that’s only 4% fully protected Filipinos of our target 70 million,” lahad ni pandemic task force adviser Dr. Ted Herbosa.

“Ang target ho na mag-advise na tanggalin iyong mask at saka face shield ay pag umabot tayo ng 50% ng target population… so, mga between 40-50 million, nasa three million pa lang tayo.”

Maaalalang sinimulan ng gobyerno ang kanilang immunization program sa nakalipas na limang buwan at hanggang ngayon ay nakikita nilang hamon ang ‘hesitancy’ sa bakuna lalo pa sa A2 category.

“Mataas ang hesitancy, nakita namin, among senior citizens.

Show comments