MANILA, Philippines — Natagpuang patay kahapon ng umaga ang isang kadete sa loob ng banyo ng isang barracks ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA), San Narciso, Zambales.
Kinilala ang nasawing kadete na si Fourth Class Jonas Bondoc na natagpuang patay sa banyo ng kanilang barracks, alas-6:30 ng umaga.
Hindi pa tukoy ang sanhi ng pagkamatay ni Bondoc habang nagbitiw na sa puwesto ang commandant of cadets, battalion officer, at company officer upang bigyang daan ang isasagawang impartial at mabilis na imbestigasyon.
Nagsasagawa na rin ng kaukulang imbestigasyon ang PNP San Narciso at patuloy umanong makikipagtulungan ang pamunuan ng PMMA upang lumabas ang katotohanan sa naging pagkamatay ni Bondoc.