‘Oplan Delta’ ng CPP-NPA vs NTF-ELCAC officials
MANILA, Philippines — Papatayin at sisirain ang mga opisyal at tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ito ang ibinunyag sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng NTF-ELCAC kahapon ni Undersecretary Lorraine Badoy, tagapagsalita ng task force sa larangan ng Social Media at Sectoral Concern, na ayon sa ‘intelligence report’ umano na ang Oplan Delta ay plinano ng namumuno sa National United Front Commission (NUFC) ng CPP-NPA-NDF, na si Nathaniel Santiago sa Quezon City.
Ang Oplan Delta ng CPP-NPA-NDF ay ang planong pagpatay at pagsira sa mga opisyal ng task force partikular na ang mga tagapagsalita nito.
Ayon kay Badoy, nasasaad din sa intel report na bumuo ng plano ang CTGs propaganda laban at makakasira sa mga pagkatao ng mga tagpagsalita ng task force kabilang na ang umano’y paglilikida sa kanila.
Ikinababahala umano ng CTGs ang posibleng pagtakbo kasama sina Lt. Gen Antonio Parlade Jr., Undersecretary Joel Egco at Atty. Marlon Bosantog sa halalan sa susunod na taon kaya mas pinaiigting nito ang kanilang mga black propaganda.
Anya, ang pagkakadiskubre sa Oplan Delta ay hindi na bago sa kanila at hindi nila ikinabigla, dahil ito ay pansamantalang nahinto nang mahuli ng mga tropa ng pamahalaan ang mga ‘liquidation squad’ ng CPP-NPA-NDF sa Sta. Rosa, Laguna.
- Latest