^

Police Metro

Forced evacuation sa 5 lugar sa Batangas, ipinatupad

Doris Franche - Pang-masa
Forced evacuation sa 5 lugar sa Batangas, ipinatupad
Ayon kay PRO-4A chief Police Brigadier General Eliseo Cruz, ang limang lugar na tinukoy ay kinabibilangan ng Barangays Gulod, Buso Buso, at Lakeshore Bugaan East sa Laurel, at Banyaga at Bilibinwang sa bayan ng Agoncillo.
Ted Aljibe/AFP

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pag-aalboroto ng Taal Volcano, ipinatupad na ng Police Regional Office-4A (PRO4A) ang forced evacuation sa limang barangay sa Batangas.

Ayon kay PRO-4A chief Police Brigadier General Eliseo Cruz, ang limang lugar na tinukoy ay kinabibilangan ng Barangays Gulod,  Buso Buso, at Lakeshore Bugaan East sa Laurel, at  Banyaga at Bilibinwang sa bayan ng Agoncillo.

Sinabi ni Cruz na protocol ito sa sitwasyon ng Bulkang Taal kung saan napagkasunduan din kasama ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 4-A.

Aniya, hindi maaaring ipagwalang bahala ang akti­bidad ng bulkan na maaaring sumabog ito ng mas malakas.

Ilan pa sa mga barangay na apektado ay ang Poblacion at Sinturisan sa San Nicolas; Apacay sa Taal; Luyos at Boot sa  Tanauan City; at San Sebastian sa Balete.

Inatasan din ni Cruz ang  Batangas Provincial Police Office  na alalayan at tulungan ang mga apektadong police station upang matiyak ang seguridad sa mga eva­cuation centers habang ipinatutupad ang health protocols laban sa COVID-19 pandemic.

Pinaalalahanan din ng opisyal ang Laguna at Cavite Porvincial Police Offices (PPOs) na pagbawalan ang pagpapapasok ng mga turista lalo na sa Tagaytay upang ma­iwasang makadagdag pa sa sitwasyon.

vuukle comment

BULKANG TAAL

EVACUATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with