2-weeks libreng sakay sa LRT-2 East — Duterte

Sa kabubukas na extension project

MANILA, Philippines — Magkakaroon na ng libreng sakay sa loob ng dalawang linggo sa kabu­bukas na LRT-2 East extension project kasunod ng paghirit ni Pangulong Rodrigo Duterte nang kanyang pangunahan ang inagurasyon nito sa Antipolo City, Rizal.

Sinang-ayunan naman­ ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang kahilingan ng Pangulo na magkaroon ng libreng sakay sa loob ng dalawang linggo.

Gayunman, nilinaw ng Pangulo na ang libreng sakay ay ibibigay sa mga pasahero ng LRT2-East extension para lamang sa Santolan station hanggang Antipolo at vice versa.

“Ah, let me clarify, iyong libre for two weeks would be Santolan to Antipolo stations and vice versa,” ani Duterte matapos sumang-ayon si Tugade.

Inaasahang bababa sa 40 minuto na lamang ang biyahe mula Recto hanggang sa Antipolo, kumpara sa kasaluku­yang biyahe na umaabot ng halos 3-oras kung sakay ng jeepney o bus.

Show comments