Kaso ng dengue bumaba ng 48% ngayong taon — DOH
MANILA, Philippines — Iniulat ng Department of Health na bumaba ang kaso ng dengue ngayong taon sa bansa.
Sinabi kahapon ni Dr. Ailene Espiritu, ng Disease Prevention and Control Bureau ng DOH, na mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon ay nakapagtala lamang sila ng 27,930 dengue cases.
Ito aniya, ay mas mababa ng 48% kumpara sa 53,866 kaso na naitala sa kahalintulad na petsa noong taong 2020.
Nasa 104 indibiduwal naman ang nasawi dahil sa dengue hanggang nitong Hunyo 5.
Ito ay 43% na mas mababa rin sa 183 na naitala sa kahalintulad na panahon noong 2020.
Ipinaliwanag naman ni Espiritu na bumaba ang mga kaso ng dengue ngayong taon dahil ang mga tao ay namamalagi sa kanilang mga tahanan dahil sa pandemic.
Samantala, tinukoy rin ni Espiritu ang tatlong rehiyon sa bansa na nakapagtala ng pinakamaraming mga kaso ng dengue ito ay ang
Central Luzon na may 8,925; Calabarzon na may 3,111; at Ilocos na may 2,910.
- Latest