MANILA, Philippines — Umaabot sa kabuuang 67,609 quarantine violations ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa loob lamang ng isang linggo.
Ito ang iniulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na ang mga naturang paglabag ay naitala mula Hunyo 1 hanggang 13 lamang.
Sa naturang bilang, 51,607 ang hindi nagsuot ng face masks, 426 ang lumabag sa mass gatherings, at 15,576 ang nabigong mag-obserba ng physical distancing.
Pinaalalahanan naman ni Malaya ang publiko na maging disiplinado at patuloy na sumunod sa ipinaiiral na health protocols ng pamahalaan laban sa COVID-19.