^

Police Metro

3 pang barangay chairman, iimbestigahan sa paglabag sa mass gathering

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlo pang barangay chairman ang nakatakdang imbestigahan ng DILG sa paglabag sa mga prohibisyon laban sa mass gathering sa kani-kanilang lugar.

Kinilala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año, ang mga chairman na PB Ireneo H. Cabahug ng Barangay Matabungkay, Lian, Batangas; PB Bobby Daquioag ng San Mariano, Sta. Marcela, Apayao; at PB Franklyn O. Ong ng Kasambangan, Cebu City.

Si Cabahug ay iniimbestigahan kung bakit nabigo siyang ipatupad ang minimum public health standards (MPHS) sa mga turista na hindi nag-obserba ng physical distancing at hindi nagsuot ng face masks habang nasa isang beach resort sa Barangay Matabungkay.

Si Daquioag naman ay nalagay sa hot water nang dumalo sa isang kasal at reception sa San Mariano, Apayao noong panahong ang kanilang lugar ay nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Habang si Ong ay ini­imbestigahan dahil sa da­lawang magkahiwalay na insidente nang paglabag sa physical distancing sa dalawang coffee shop sa Kasambangan, Cebu City.

MASS GATHERING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with