Mensahe sa ika-123 Araw ng Kalayaan
MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, nagpahayag ng pag-asa si Pangulong Rodrigo Duterte na makakalaya ang mga Filipino sa pandemya na dulot ng COVID-19.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Duterte na ang mga pagsubok na nalampasan ng mga Pilipino ay nagpatibay sa character ng bansa.
“I join the entire Filipino nation in celebrating the 123rd Anniversary of the Proclamation of Philippine Independence. The challenges of the past year have tested our character as a nation,” ani Duterte.
Sinabi rin ni Duterte na bawat isa ay maaaring maging bayani at ipaglaban ang buhay katulad nang ginawa ng mga nakaraang bayani ng bansa.
Dapat din aniyang magsilbing inspirasyon ang nagawa ng mga bayani upang patuloy na umasa na malalampasan ng lahat ang pandemya.
Umaasa rin ang Pangulo na patuloy na mag-aapoy ang kabayanihan sa puso ng bawat Pilipino.