^

Police Metro

Medical wastes itapon ng tama — Duterte

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling pinaalalaha­nan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang publiko sa kanyang Talk to the People ng wastong pagtapon ng mga medical wastes.

Nakarating kay Du­terte ang ulat na may mga nakuhang gamit na face masks ang ilang divers sa ilalim ng karagatan ng Bauan, Batangas.

Ito ang dahilan aniya kung bakit labis siyang nalungkot at nadismaya dahil sa maling pagtatapon ng medical wastes.

Binigyang diin ng Pangulo ang paggunita ng buong mundo ng “World Environment Day” noong June 5 kung saan isinulong ang commitment ng bansa sa pag-aalaga sa kapaligiran.

Ikinuwento pa ng Pangulo ang isang karanasan noong mayor pa siya ng Davao na kung saan isang nurse umano ang nagbaon ng basura sa isang beach.

“You might as well wait for the garbage men to look the garbage and balutin ninyo ‘yang mga ano ninyo, mga medisina ‘yong naturok na at saka ‘yong mga syringe, balutin ninyo, ibigay ninyo sa basurero,” ayon kay Pangulong Duterte.

MEDICAL WASTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with