Sara Duterte tatakbong pangulo sa 2022

Sa press conference via zoom, sinabi ni Salceda na inamin sa kaniya ni Inday Sara ang plano nitong pagtakbo sa May 2022 national polls sa text message nito sa kaniya noong Mayo 22.

MANILA, Philippines — Ibinulgar kahapon ni 2nd District Albay Rep.Joey Salceda, Chairman ng House Committee on Ways ang Means base sa mga palitan nila ng mensahe sa chat nila ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay walang duda na tatakbo ito sa pagka-Pangulo sa  May 2022 national elections.

Ginawa ni Salceda ang pahayag sa kabila ng wala pang iniaanunsyo ang presidential daughter sa plano nito sa napipintong pambansang halalan.

Si Inday Sara ay Pa­ngulo ng Hugpong Pagbabago, isang koalisyon ng political party.

Sa press conference via zoom, sinabi ni Salceda na inamin sa kaniya ni Inday Sara  ang plano nitong pagtakbo sa May 2022 national polls sa text message nito sa kaniya noong Mayo 22.

Ayon kay Salceda, nakikipagusap na ang presidential daughter  para makipag-Alyansa sa ibang partido.

Ang presidential daughter ay nanguna sa mga survey sa mga potensyal na kandidatong pre­sidential candidates  pero nauna na nitong sinabi na wala siyang plano na tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Show comments