Height Equality Act pinuri ni Yap
MANILA, Philippines — “Malaking tulong ang “Height Equality Act” para makapasok sa serbisyo ang ating mga kababayan na nasa indigenous sector”.
Ito ang tugon ni ACT-CIS Congressman at Benguet Caretaker Eric Yap sa isang local radio interview matapos pirmahan ni Pangulong Duterte ang R.A. 11549 na binababaan pa ang height requirements ng mga gustong pumasok sa PNP, BJMP, at BFP. Mula sa taas na 5’4” para sa kalalakihan na nais pumasok bilang pulis, bumbero o miyembro ng BJMP, binabaan ng bagong batas ang height requirement sa 5’2” at 5 feet naman sa mga kababaihan mula sa 5’2”.
“May ilan nga na taga-Benguet na gusto pumasok sa pulis pero kulang sa height ay nangailangan pa ng waiver,” wika ni Yap.
Aniya, wala sa lahi ng mga Pinoy na matatangkad tulad ng mga Amerikano o Europeans kaya marapat lamang na babaan ang height requirements ng mga nais pumasok sa serbisyo.
- Latest