MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni PNP Chief, General Guillermo Lorenzo Eleazar na igagalang ng mga pulis ang karapatang pantao ng mga maaarestong quarantine violators kaugnay ng mahigpit na pagpapatupad ng safety and healthy protocols dulot ng COVID-19 pandemic.
Una rito, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga law enforcers na arestuhin ang mga hindi nagsusuot ng face masks at maging ang mga mali ang pagsusuot nito sa mga pampublikong lugar.
Kamakailan lamang ay iniutos din ni Pangulong Duterte sa mga law enforces na maging ang mga Brgy. Chairman na mabibigong ipatupad ang quarantine protocols sa kanilang mga nasasakupang lugar.
Ito’y matapos namang magkaroon ng mga pagtitipon kabilang ang mga party at inuman sa Metro Manila gayundin sa iba pang mga lugar.
Reaksyon ito ni Eleazar, matapos namang magpahayag ng pagkabahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa aktibong pag-aresto ng mga pulis ngayong pandemya sa mga quarantine violators kabilang ang mga Brgy. Chairman sa iba’t-ibang panig ng bansa.
“I would like to assure the CHR that our personnel are aware of their accountability and responsibility to always abide by police operating procedures and uphold human rights in their operations.
May mga mekanismo po kaming nakalatag upang masigurong nasusunod po ng ating kapulisan ang mga protocols,” pahayag ni Eleazar.