Brand ng bakuna ‘wag ianunsiyo sa jab site-DOH

“Maybe one of the strategies that can be made is hindi na ia-announce kung anong bakuna ang ibibigay. Kung gusto ninyo magpabakuna, pumunta kayo sa ganitong faci­lity o kaya vaccination site tapos kung ano ‘yung bakuna na available ‘yun ang dapat kunin nila,” ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje.
The STAR/Miguel de Guzman

Para iwas choosy…

MANILA, Philippines — Iminungkahi ng Department of Health (DOH) na huwag ianunsiyo kung anong bakuna laban sa COVID ang ituturok sa vaccination sites.

 “Maybe one of the strategies that can be made is hindi na ia-announce kung anong bakuna ang ibibigay. Kung gusto ninyo magpabakuna, pumunta kayo sa ganitong faci­lity o kaya vaccination site tapos kung ano ‘yung bakuna na available ‘yun ang dapat kunin nila,” ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje.

Paglilinaw ni Cabotaje, ito ang palaging polisiya ng gobyerno sa government COVID-19 vaccination kung saan hindi na makatatanggi ang publiko.

Paliwanag pa nito, tanging health workers lamang ang may “right of first refusal”.

“Binigyan natin ng right of first refusal ang ating mga health workers because of the fact that at the beginning ‘yung Sinovac was not advisable, not recommended for health workers.”

“Other than that dapat wala nang right of refusal. Kung ano ‘yung vaccine kunin mo, kapag hindi mo kukunin, then you go down the end of the line,” lahad pa nito.

“Maybe one of the strategies that can be made is hindi na ia-announce kung anong bakuna ang ibibigay...Kasi nga dinagsa iyong Pfizer, kasi noong nag-announce na may Pfizer, everybody wanted to use Pfizer”,ani Cabotaje

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang naghayag kamakalawa na hindi dapat maging choosy sa bakuna dahil lahat naman ay epektibo. — Danilo Garcia

Show comments