PNP at PDEA, dapat mag-usap sa drug war ops — Yap

MANILA, Philippines — Sinabi ni Anti-Crime and Terrorism - Community Involvement and Support (ACT-CIS) Rep. Eric Yap para maiwasan  ang misencounter “coordination” lang ang susi.

Anya, dapat tala­gang mag-usap ang Philippine National Police (PNP) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) hinggil sa kanilang anti-drug operations na walang mapatay o masaktan sa government forces on this continuing war on drugs.

Ang tinutukoy ni Cong. Yap ay ang engkuwentro na muntik na namang maganap sa pagitan ng mga tauhan ng PNP at PDEA, sa isang mall sa Fairview, Quezon City kamakailan habang isinasagawa ang kani-kanilang drug bust operations. “Definitely walang coordination dahil ang sabi baka mag-leak ang operations kapag sinabi sa kabaro sa kabilang ahensya,” ani Yap.

“Kung walang tiwala sa isa’t-isa, then how will we win this war on drugs?” Matatandaang minsan nang nagpang-abot ang PNP at PDEA may ilang buwan pa lamang ang nakakaraan, sa isa ring mall sa QC kung saan may mga pulis at PDEA operatives ang namatay at nasaktan.

Show comments