Trader na pumatay ng nobya sa Laguna, huli sa Valenzuela

MANILA, Philippines — Arestado ang negosyanteng wanted sa pagpatay sa kaniyang girlfriend na isang call center agent sa isang motel sa Laguna matapos na matunton ang pinagtataguan nito ng pulisya sa Valenzuela City nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ni Valenzuela City Police Chief P/ Col. Ramchrisen Haveria, Jr. ang naaresto na si Roscoe Alve, 36, nakatala bilang top 15 most wanted person ng Police Regional Office 4A dahil sa pagpatay sa nobya nitong si Crisanta Magadia, noong Hulyo 2020.

Ayon kay Haveria, si Alve ay nadakip ng mga operatiba ng Valenzuela City Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/LT Robin Santos, at Biñan City Police sa isinagawang pagsalakay bitbit ang warrant of arrest inisyu ni Presiding Judge Jaime Banatin ng Biñan City, Laguna RTC Branch 152 noong Disyembre 4, 2020 sa kasong murder at robbery with violence against or intimidation of persons sa hideout nito sa Kaypandan St., Canumay West, ng lungsod dakong alas-12:30 ng madaling araw.

Si Magadia ay natagpuang walang buhay sa loob ng isang motel sa Biñan City noong Hulyo 29, 2020 at may nakapulupot na kumot sa leeg nito.

Show comments