^

Police Metro

P4.5 bilyong Bicol International Airport tatapusin ngayong taon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nangako ang Department of Transportation (DOTr) na tatapusin ang tinaguriang “state of the art” na Bicol International Airport (BIA) na nagkakahalaga ng P4.5 bilyon sa Daraga, Albay bago magtapos ang 2021.

Ayon kay 2nd District Albay Rep. at House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, binisita at ininspeksyon na nila ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang proyekto nitong linggo.

Sinabi ni Salceda na siyang nagpasimula sa proyekto, halos dalawang dekada na ang nakalilipas at patuloy na isinusulong, ang BIA ay isa sa mahahalagang susi para maibsan ang matinding epekto ng COVID-19 at umusad ang ekonomiya ng bansa.

Sa panig ni Tugade, sinabi nito na ang gusali ng airport terminal ay nasa 92% na ang yari at inaasahang matatapos sa pagitan ng Hunyo at Hulyo habang ang iba pang bahag nito ay nasa 65-75 % na ang natatapos. Tiniyak naman ng Kalihim na matatapos ang buong imprastraktura bago matapos ang 2021.

 Nabatid na tatlong tranches ang isinagawang paglalabas ng pondo sa proyekto kung saan P300 milyon noong 2009; P300 milyon noong 2010 para sa pagsasaayos sa paligid nito at mga kalsada at P970 milyon naman noong 2019 para sa 2.1 kilometrong runway ng paliparan.

Inihayag ni Salceda na ang BIA project ay kabilang sa “Build, Build, Build Program” ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na makakatulong sa pagbangon ng sumadsad na ekonomiya dulot ng pandemya.

BICOL INTERNATIONAL AIRPORT

DOTR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with