Duterte sa Tsina: Barko ng Pinas ‘di ko iaatras, patayin mo man ako

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos ipaalam ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa meeting kamakalawa na may dalawang barko ang Pilipinas na nag-iikot sa Kalayaan Islands at Mischief Reef.
STAR/File

MANILA, Philippines — Matapos kuyugin ng iba’t ibang kritisismo ang kanyang campaign pro­mise para sa mga mangi­ngisda sa pinagtatalunang West Philippine Sea ay “joke” binalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Beijing na hindi niya iaatras ang Philippine ships mula sa pinagtatalunang katubigan kahit mapatay pa siya ng China.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos ipaalam ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa meeting kamakalawa na may dalawang barko ang Pilipinas na nag-iikot sa Kalayaan Islands at Mischief Reef.

Sinabi ni Duterte na hindi siya aatras bagaman at hindi makikipag-away sa China.

Ayon pa sa Pangulo, ini­rerespeto niya ang China, pero dapat ding respetuhin ang posisyon ng Pilipinas.

“Pero ito I put not --- I’d like to put notice sa China. May dalawang barko ako diyan Philippine government...Kaya ako sabihin ko sa China ngayon, as I’ve said before to repeat: I am not ready to withdraw. I do not want a quarrel, I do not want trouble, I respect your position and you respect mine. But we will not go to war at saka hindi naman…,” ani Duterte.

Sinabi rin Duterte na kung papatayin siya at saka magtatapos ang pakiki­pagkaibigan niya sa China.

Binanggit din ng Pa­ngulo ang sinabi umano ng Amerika na hindi makikia­lam sa agawan sa teritoryo.

 

Related video:

Show comments