Paglikas ng mga Pinoy sa India, inihahanda na

Tugon ito ni Nograles sa tanong ni Senador Imee Marcos kung paanong maipapa-repatriate ang mga Filipino na nasa India dahil sinabi umano ni Ambassador to India Ramon Bagatsing na kailangan pang kumuha ng clearance ng mga Filipino bago makauwi dito.
AFP/Punit Paranjpe

MANILA, Philippines — Pinag-uusapan pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paglilikas sa mga Pinoy mula sa India na matindi ang pagkalat ng COVID-19 at libu-libo ang namamatay.

Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Ale­xei Nograles sa pagdinig ng Senado tungkol sa panukalang paglikha ng Department of Overseas Filipino (DOFIL).

Tugon ito ni Nograles sa tanong ni Senador Imee Marcos kung paanong maipapa-repatriate ang mga Filipino na nasa India dahil sinabi umano ni Ambassador to India Ramon Bagatsing na kailangan pang kumuha ng clearance ng mga Filipino bago makauwi dito.

Sa ngayon may travel ban ang Pilipinas sa India, pinaiiral ito noong Abril 29 hanggang Mayo 14.

Sinabi rin ni Nograles na may travel ban din sa mga kalapit na bansa ng India tulad ng Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka epektibo mula Mayo 7-14.

Show comments