1K doses ng Sinopharm ipinasosoli sa China
MANILA, Philippines — Kasabay sa pagsosori ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapaturok ng bakuna na gawa ng Sinopharm ng China kahit walang emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration, ipinababalik na rin nito ang nasa 1,000 pang doses ng bakuna sa China.
Sinabi rin ng Pangulo na tinatanggap nila ang responsibilidad at desisyon ng kanyang mga doktor sa pagpapaturok ng Sinophram.
“Ngayon itong mga experts sa COVID-19 have been working with us --- it’s a criticism, it’s a critique and we accept it...Ganito ho ‘yan, well, we are sorry that we committed the things that you are criticizing us for. We accept responsibility. At ako mismo nagpaturok, well, it’s the decision of my doctor,” ani Duterte.
Sinabi pa ng Pangulo na sa mga susunod na araw ay mawawala na ang Sinopharm sa bansa dahil sa personal request niya na bawiin na ang 1,000 doses ng bakuna.
Maghihintay na lang aniya ang gobyerno ng Sinovac at ng iba pang darating na bakuna.
So we are sorry. You are right, we are wrong. Ang Sinopharm maybe tomorrow or the following day wala na ‘yan. I made it as a personal request...Pero kung parang ganoon na maingay, i-withdraw na lang para maghintay na lang tayo ng Sinovac and others. Tutal 1,000 vaccines lang ‘yan eh. It would not make a dent doon sa supply,” ani Duterte.
Sinabi rin ni Duterte na para wala ng gulo ay huwag na lamang magpadala ng Sinopharm sa Pilipinas.
“So here’s a deal, sinabi ko kay ambassador criticized nila kasi hindi nga dumaan ng examination ‘yong Sinopharm, sabi ko tanggalin mo na lang. You withdraw all Sinopharm vaccines, 1,000 of them. Huwag ka na lang magpadala ng Sinopharm dito para walang gulo. Sabi ko ibigay mo lang sa amin ‘yong Sinovac na ginagamit sa lahat,” ani Duterte.
Sinabi naman ni presidential spokesperson Harry Roque na kukuha pa rin ng bakuna para sa Pangulo mula sa 1,000 doses ng Sinopharm vaccine na ipinapasaoli ni Duterte sa China.
“Siyempre po, hindi ibabalik iyong pang-second dose ni Presidente para matapos niya ang second dose niya,” paniniyak ni Roque.
- Latest