^

Police Metro

Duterte pinaaaresto ang mga lumalabag sa face mask

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte pinaaaresto ang mga lumalabag sa face mask
“My orders to the police are those who are not wearing their masks pro­perly in order to protect the public --- kasi kung hindi, hindi mo madepensahan ’yong publiko --- to arrest them and detain them, investigate them why they are doing it,” ani Duterte.
AFP/Lakruwan Wanniarachchi

MANILA, Philippines — Pinaaaresto na ni Pa­ngulong Ro­dri­go Duterte ang mga ma­ma­mayan na hindi tama ang pagsusuot ng face mask.

Sinabi ni Duterte na may mga nagsusuot ng face mask upang sumunod lamang pero hindi naman tama ang pagsusuot at nakalabas pa rin ang ilong.

“Now itong mask, iyong iba ano lang for compliance lang. Naglalagay ng mask pero nakalabas ’yong ilong,” ani Duterte.

Huhulihin na aniya ang mga hindi sumusunod bilang proteksiyon sa publiko at ikukulong ang mga ito.

“My orders to the police are those who are not wearing their masks pro­perly in order to protect the public --- kasi kung hindi, hindi mo madepensahan ’yong publiko --- to arrest them and detain them, investigate them why they are doing it,” ani Duterte.

Sinabi rin ni Duterte na may siyam na oras para imbestigahan at ikulong ang mga hindi sumusunod dahil kung hindi ito gagawin ay walang mangyayari sa laban sa COVID-19.

Idinagdag ng Pangulo na nauubos ang pera ng gobyerno samantalang may mga taong labas nang labas at hindi tama ang pagsusuot ng face mask.

“Eh pagka ganoon, tapos ako dito hirap na hirap, papawala na ’yong pera natin sa bangko, tapos sige pa rin kayo galaw nang galaw diyan na hindi tama, eh mapupunta talaga kayo sa istasyon. Anybody in public wearing a mask not in the regular --- regulation mask na ilong pati bunganga ang sirahan mo diyan,” ani Duterte.  

FACEMASK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with