^

Police Metro

Community pantries sa bansa, higit 6,700 na — DILG

Mer Layson - Pang-masa
Community pantries sa bansa, higit 6,700 na — DILG
Pinapakita sa larawan ang isinasagawang community pantry sa kahabaan ng Narra Street sa Quezon City na pinapangunan ni Elmer Cordero ang driver na naaresto nung nag protesta sa kasagsagan ng pandemya.
Release/Kilusang Mayo Uno

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na umabot na sa mahigit 6,700 na community pantries ang itinayo ng mga pribadong indibiduwal at mga grupo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sa kabuuan ay nasa 6,715 na ang community pantries na naitayo sa iba’t ibang panig ng bansa.

Pinakamarami aniyang naitayong community pantry sa area ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), gayundin sa Region 3 (Central Luzon) at National Capital Region (NCR).

Kaugnay nito, tiniyak niya na patuloy na tinututukan ng mga awtoridad ang mga community pantry para matiyak na sumusunod ito sa health protocols upang maiwasan ang posibleng hawahan ng COVID-19.

“Sisiguraduhin po natin na nasusunod ang lahat ng minimum health standard dito at katulad po ng utos ninyo at ang LGUs (local government units), ang ating LCEs (local chief executives), at ang ating mga pulis, sisiguraduhin na walang violation sa mass gathering,” dagdag pa ng kalihim.

Matatandaang nagsi­mula lang ito sa isang pantry sa Maginhawa Street sa Quezon City na sinimulan ni Ana Patricia Non, na ang layunin ay mabigyan ng pagkain ang mga mamamayang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

COMMUNITY PANTRY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with