50 Tsino sa kumpanya ng bakal, inaresto

MANILA, Philippines — Arestado ang may 50 Chinese nationals makaraang madiskubre ng Bureau of Immigration na ilegal na nagtatrabaho sa isang kumpanya ng bakal sa Sarangani Province nitong nakaraang Biyernes.

Ipinatupad ang pag-aresto sa mga Tsino ng mga tauhan ng BI-Mindanao Intelligence Task Group (BI-MITG) makaraang makumpirma na nagtatrabaho ang mga dayuhan na hindi nakasaad sa kanilang “work permits”.

“Our operatives received information from concerned citizens regarding the presence of aliens in the region,” ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente.

Isinagawa ng BI ang pag-aresto sa mga dayuhan sa tulong ng mga tauhan ng PNP-Regional Operations Unit 12, Intelligence Service Unit (ISU15AIB), 38th Infantry Battalion, 603rd Brigade ng Philippine Army, Naval Intelligence Security Group, Naval Special Operations Group ng Philippine Navy, at National Intelligence Coordinating Agency-12.

Show comments