^

Police Metro

Duterte kinilala ang sakripisyo ng mga manggagawa, frontliners

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte kinilala ang sakripisyo ng mga manggagawa, frontliners
Isang COVID-19 pasyente ay dinala sa emergency sa Amang Rodirguez Memorial Medical center sa Marikina City nitong Abril 26, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kaalinsabay sa pagdiriwang ng Labor Day, kinilala kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sakripisyo ng lahat ng mga manggagawang Pinoy na patuloy na nagta-trabaho sa gitna ng health crisis na nakaapekto sa halos lahat ng industriya sa buong mundo.

Labis ding nagpasalamat ang Pangulo sa mga masisipag na healthcare workers at mga essential frontliners dahil sa walang sawang paghahatid ng serbisyo.

“On behalf of a grateful nation, I express my dee­pest gratitude to our hardworking healthcare wor­kers and essential frontli­ners for their unwavering commitment in ensuring the unhampered delivery of goods and services that continue to sustain our communities and industries during these difficult times,” ani Duterte.

Tiniyak ni Duterte sa mga manggagawang Filipino na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang matiyak na mabibig­yang ng proteksiyon ang kapakanan at karapatan ng mga manggagawa.

“To all Filipino wor­kers here and abroad, let me ensure you that this administration will endeavor to work as vigo­rously as you have in creating an environment where security of tenure, statutory labor standards and workers’ rights are not only upheld and protected, but also cherished as the foundations of a strong and thriving forceforce,” ani Duterte.

Binanggit din ng Pa­ngulo ang kahalagahan na magkaroon ng matatag ng lipunan na maaaring ipamana sa mga susunod na henerasyon ng mga Filipino.

LABOR DAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with