‘Mangisda kayo sa WPS’ - BFAR sa Pinoy fishermen

Ang panawagan ay ginawa ni Gongona nang mapaulat ang pagdaong dito ng dosenang Chinese vessels sa nagdaang buwan dahilan para magsampa ang Philip­pine government ng diplomatic protests laban sa Beijing.
PCG/Releaed

MANILA, Philippines — Hinikayat ng pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga mangi­ngisdang Pilipino na mangisda sa karagatan ng West Philippine Sea.

Ang West Philippine sea ay nagpo-produce ng 324,000 metric tons  ng isda kada taon o may 7 percent ng fisheries output ng ating bansa na ang bahagi nito ay dinadala sa Metro Manila.

“We should be there. That area is our traditional fishing ground, We should be there so that we can get our ample share from the bounties of the sea.” pahayag ni BFAR director Eduardo Gongona.

Ang panawagan ay ginawa ni Gongona  nang mapaulat ang pagdaong dito ng dosenang Chinese vessels sa nagdaang buwan dahilan para magsampa ang Philip­pine government ng diplomatic protests laban sa Beijing.

May 300,000 mangi­ngisda at mahigit 100 commercial fishing boats na regular na luma­laot sa West Philippine Sea.

Show comments