Duterte magpapadala ng barkong pandigma sa WPS

Pinapakita sa larawan noong Marso 31, 2021 na galling sa National Task-Force West Philippine Sea(NTF-WPS) na ang sasakyang pandagat ng mga Intsek ay nakadaong sa Whitsun Reef, 320 kalayuan (175 nautical miles) sa kanlurang bahagi ng Isla ng Palawan sa South China Sea. Ang Estados Unidos ay nagbabala nitong Abril 7, 2021 sa bansang China sa pag sasagawa nila ng agresibong hakbang sa teritoryo ng Pilipinas at Taiwan.
AFP/Philippine Communications Operations Office/National Task Force-West Philippine Sea, Handout

Kapag nagsagawa ng oil drilling ang China…

MANILA, Philippines — Kung magsisimula na ang China sa pagsasagawa ng oil drilling at iba pang yamang dagat sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang bansa ay handa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpadala ng barkong pandigma sa West Phi­lippine Sea.

“I am addressing myself to the Chinese government. We want to remain friends. We want to share whatever it is. Sinabi ko naman sa inyo sa Chinese government, I’m not so much interested now in fishing. I don’t think there’s enough fish really to quarrel about. But when we start to mine, when we start to get whatever it is in the bowels of the China Sea, sa ating oil, diyan na ako --- then by that time, I will send my ships there. I will send my gray ships there to state a claim,” ani Duterte.

Ayon kay Duterte na walang dahilan para kumilos ngayon ang gobyerno dahil lamang sa ginagawang panghahabol ng barko ng China sa mga pumupunta sa pinag-aagawang karagatan na ang pinakahuli ay ang bangka na sinasakyan ng isang news team ng ABS-CBN.

Ayon pa kay Duterte, ipapaalala niya sa China ang napagkasunduan tungkol sa pagmimina ng langis sa karagatan.

Binanggit din ni Duterte na noong mag-usap sila ni President Xi Jinping ay napagkasunduan na wala munang magmimina ng langis.

Ipinahiwatig ni Duterte na sa ngayon ay ayos lang kung magpapatuloy ang paghahabulan ng mga coast guards ng Pilipinas at China at puwedeng maglaro kung sino ang mas mabilis.

Show comments