Duterte magpapadala ng barkong pandigma sa WPS
Kapag nagsagawa ng oil drilling ang China…
MANILA, Philippines — Kung magsisimula na ang China sa pagsasagawa ng oil drilling at iba pang yamang dagat sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang bansa ay handa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpadala ng barkong pandigma sa West Philippine Sea.
“I am addressing myself to the Chinese government. We want to remain friends. We want to share whatever it is. Sinabi ko naman sa inyo sa Chinese government, I’m not so much interested now in fishing. I don’t think there’s enough fish really to quarrel about. But when we start to mine, when we start to get whatever it is in the bowels of the China Sea, sa ating oil, diyan na ako --- then by that time, I will send my ships there. I will send my gray ships there to state a claim,” ani Duterte.
Ayon kay Duterte na walang dahilan para kumilos ngayon ang gobyerno dahil lamang sa ginagawang panghahabol ng barko ng China sa mga pumupunta sa pinag-aagawang karagatan na ang pinakahuli ay ang bangka na sinasakyan ng isang news team ng ABS-CBN.
Ayon pa kay Duterte, ipapaalala niya sa China ang napagkasunduan tungkol sa pagmimina ng langis sa karagatan.
Binanggit din ni Duterte na noong mag-usap sila ni President Xi Jinping ay napagkasunduan na wala munang magmimina ng langis.
Ipinahiwatig ni Duterte na sa ngayon ay ayos lang kung magpapatuloy ang paghahabulan ng mga coast guards ng Pilipinas at China at puwedeng maglaro kung sino ang mas mabilis.
- Latest