MANILA, Philippines — Sa loob ng dalawang linggo ay ipinatupad ng Hong Kong ang travel ban sa bansang Pilipinas, kasama ang India at Pakistan, simula ngayong araw.
Ito ay bunsod ng pagpasok ng N501Y mutant COVID-19 strain sa Hong Kong sa unang pagkakataon.
Ang Pilipinas, India at Pakistan ay pasok sa klasipikasyon bilang “extremely high risk” matapos na magkaroon ng maraming kaso ng nasabing strain sa Hong Kong sa nakalipas na 14-araw.
Dahil dito, tuloy-tuloy ang paghihikayat ng mga otoridad sa HK sa kanilang mga residente na magpabakuna na, dahil wala pa sa 10% ng 7.5 milyong residente ang nababakunahan pa lang .
Nabatid na may 30 bagong kaso ng coronavirus noong linggo, 29 dito ay imported na pinakamataas na kaso simula noong Marso 15.