Bicol, CARAGA Region umalerto kay ‘Bising’

Nakataas ang signal number 1 sa Sorsogon, Al­bay, silangang bahagi ng Camarines Sur, Ticao Island, Ca­tanduanes, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Camotes Islands, Dinagat Islands, Surigao del Norte at Surigao del Sur.
PAGASA

MANILA, Philippines — Dahil sa inaasahang paghagupit ng bagyong Bising, umalerto na kahapon ang Bicol at CARAGA Region matapos namang ibandera na ng weather bureau ang signal number 1 sa ilang mga lugar sa Bicol, Eastern Visayas at CARAGA Region.

Sa lalawigan ng Albay, inalerto na ng Office of Civil Defense (OCD) Region V at ng lokal na pamahalaang panlalawi­gan ang mga bayan ng Manito, Santo Domingo, Malilipot, Bacacay, Rapu-Rapu, Malinaw, Tiwi, mga lungsod ng Legazpi, Tabaco at mga isla dito.

Ayon kay  Albay Public­ Safety Emergency Ma­nagement Officer Dr. Ce­dric Daep, dapat naka-alerto ang lahat na Disaster Coordinating Councils sa probinsiya hanggang sa antas­ ng barangay, kasama ang lahat na mga kinauukulan.

Inihayag ng opisyal na  mahigpit nang ipinagbabawal ang paglalayag sa buong probinsiya hindi lamang sa hanay ng mga biyahero kundi sa maging ang mangingisda ay bawal ng pumalaot.

Sa Camarines Sur, ini­utos na ni Gov. Miguel Luis “Migz” Villafuerte ang preemptive evacuation sa mga mababang lugar kaugnay ng banta ng flashflood at maging sa mga bahay sa paanan ng mga bundok sa posibleng landslide at inihanda na ang mga evacuation centers.

Ayon naman kay CARAGA Police Regional Director P/Brig. Gen. Romeo Caramat Jr., nakamonitor na ang kanyang mga tauhan sa mga kritikal na lugar sa posibleng mga pagbaha at landslide sa lugar na kanilang nasasakupan at magsagawa ng humanitarian assistance and disaster response ope­ration sa rehiyon. 

Nakataas ang signal number 1 sa Sorsogon, Al­bay, silangang bahagi ng Camarines Sur, Ticao Island, Ca­tanduanes, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Camotes Islands, Dinagat Islands, Surigao del Norte at Surigao del Sur.

 

Show comments