^

Police Metro

Magkaibang bakuna ‘di inirerekomenda — DOH

Joy Cantos - Pang-masa
Magkaibang bakuna ‘di inirerekomenda — DOH
Senior citizens nakapila sa Pinayahan Elementary School sa Quezon City sa kasasagsagan ng pagbabakuna ng Sinovac nitong Abril 14, 2021
The STAR/Michael Varcas

Sa first at second dose

MANILA, Philippines — Inihayag ni Sec. Francisco Duque na hindi ini­rerekomenda ng Department of Health (DOH) na gumamit ng magkaka­ibang dose ng COVID-19 sa iisang tao.

Sa kanyang pagharap sa pagdinig ng House Committee on North Luzon Quadrangle na pinamumunuan ni 5th District Pangasinan Rep. Ramon Guico III, ipinaliwanag ni Duque na upang maging epektibo ang bakuna laban sa COVID-19 ay dapat na magkapareho ang brand ng bakuna na gagamitin sa 1st at 2nd dose na ituturok sa isang indibiduwal o pasyente.

Ang pahayag ni Duque ay bilang tugon nito matapos kuwestiyunin ng mga mambabatas ang bisa ng Sinovac at AstraZeneca vaccines na kasalukuyan nang ginagamit sa inoculation program ng pamahalaan.

Aniya, hindi puwedeng sa unang dose ay Sinovac COVID-19 vaccine at sa ikalawang dose naman ay AstraZeneca.

Inihayag din ng kalihim na walang sapat na data ang DOH para mabatid kung hanggang saan ang proteksyon na maa­aring ibigay ng COVID-19 vaccine sa indibidwal na na­turukan nito. Kailangan pa rin umanong alamin kung makapagbibigay ng proteksyon hanggang anim na buwan ang bakuna laban sa COVID-19. - Danilo Garcia

COVID-19 VACCINE

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with