Public transpo, limitado pa rin sa mga APOR

MANILA, Philippines — Kahit pa isinailalim na ng pamahalaan sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR plus ay mananatili pa ring limitado lamang sa mga authorized person outside of residence (APOR) ang mga pampublikong transportasyon.

Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) na walang ipatutupad na anumang restriction at pagbabago sa public transport capacity at operations ngayong MECQ.

Inianunsiyo rin ng DOTr na simula ngayong araw, Abril 13, ay magbubukas pa sila ng 60 karagdagang ruta para sa public utility jeepneys (PUJs) sa National Capital Region (NCR) at 190 ruta pa para naman sa provincial public utility buses simula sa Abril 15.

Tulad noong ECQ implementation na walang naganap na taas-pasahe kahit may reduced capacity ang mga PUVs, tiniyak muli ng DOTr na wala ring magaganap na fare increase ngayong nasa MECQ na ang NCR Plus areas.

Show comments