Home care sa COVID-19 patients posible — Eksperto

“Because the healthcare capacity is extremely challenged, and because the majority of cases are expected to be mild, home care needs to be an option for our family members, or for people we know, who are suspected or confirmed COVID-19 cases,” ani Dr. Anna Lisa Ong-Lim ng UP Philippine General Hospital na miyembro rin ng DOH-technical advisory group sa isang webinar.
The STAR/Michael Varcas, file

Sa patuloy na pagkapuno ng mga ospital…  

MANILA, Philippines — Ayon sa isang eksperto na maaa­ring maging opsyon ang home care sa patuloy na pagkapuno ng mga pasilidad para sa mga pasyenteng may coronavirus disease (COVID-19).

“Because the healthcare capacity is extremely challenged, and because the majority of cases are expected to be mild, home care needs to be an option for our family members, or for people we know, who are suspected or confirmed COVID-19 cases,” ani Dr. Anna Lisa Ong-Lim ng UP Philippine General Hospital na miyembro rin ng DOH-technical advisory group sa isang webinar.

Sa mahigit 850,000 kaso ng sakit, 190,245 dito ay aktibo kung saan 97.2 porsyento ay may mild symptoms; 1.7% walang sintomas; 0.5% severe; 0.4% critical; at 0.26 ang moderate.

Habang 51.3 pors­yento na ang bed occupancy rate ng bansa kung saan 67.4% na sa Metro Manila.

Ngunit giit ni Lim na papayagan lamang ang home care kung hindi ligtas ang inpatient care o kaya’y wala nang mapagdalhang pasilidad. Maaari rin itong payagan sa mga pasyenteng asymptomatic, mild o mo­derate cases.

Sisilipin din ang kapasidad ng isang bahay sa home care at masisigurong may magbabantay sa pasyente.

Show comments