Mga residente ‘nganga’
MANILA, Philippines — May 34 barangay sa lungsod ang hindi nagsumite ng listahan sa Manila Department of Social Welfare (MDSW) na dapat mabigyan ng ayuda o special amelioration program (SAP) mula sa national government.
Ito ang ibinunyag kahapon ni Manila Mayor Isko Moreno, kasabay ng kanyang pagkadismaya sa mga barangay chairman na mistulang walang malasakit sa nasasakupan, habang ang karamihan naman ay pinasalamatan sa pagtugon sa kinakailangang listahan para agad na maiproseso ang pondong ipapamahagi.
Ani Moreno, ang MDSW sa pamumuno ni Re Fugoso ay nag-o-overtime para lang maipamahagi ang SAP sa mas maraming recipients sa mabilis na oras.
Sa Maynila, aniya may 380,000 pamilya ang kinilala na tatanggap ng P4,000 SAP bawat isa, base sa listahan na binigay ng barangay chairman alinsunod sa utos nito. Ang listahan ng mga nakatanggap na ng SAP ay naka-poste sa social media ng alkalde para magkaroon ng transparency.