MANILA, Philippines — Niresbakan ng Malacañang ang mga kritikong naghahanap kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at nagtatanong kung bakit wala itong public event kahapon sa Araw ng Kagitingan.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, nasa ilalim ang NCR sa enhanced community quarantine (ECQ) kung saan ay hindi hinihikayat ang mass gatherings.
Idagdag pa na mataas ang aktibong kaso ng COVID-19 kung saan ay kailangan na tiyakin na hindi lamang ang kaligtasan ng Pangulo kundi maging ang physical well-being ng mga staff at security na “in charge” sa koordinasyon at preparasyon ng presidential engagement o event.
Hinggil naman sa sinasabi ng iba at kumakalat sa social media na photoshopped ang kuhang larawan ng Pangulo kasama si Senador Bong Go ay sinabi ni Sec. Roque na ang mga nag-iingay na ito ay ang mga “usual detractors” ng Punong Ehekutibo na walang nakikitang maganda sa nagagawa ng Chief Executive.
Nauna rito, pinaalalahanan naman ni Senador Bong Go ang mga kritiko ng Pangulo na naghahanap dito na “sa mga may masasamang Hangarin, Wag muna kayo mag celebrate!! Nandito lang si Tatay Digong. Tambak ang trabaho.