^

Police Metro

Trak driver, helper patay sa salpok

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang driver ng trak at helper nito habang nasa 15 iba pa ang nasugatan matapos na araruhin ang 9 na sasakyan kahapon ng umaga sa kahabaan ng Quezon Avenue, Tayabas City, Quezon.

Kinilala ang nasa­wing driver na si Jeffrey Melchor Ferreras, 31, taga- Concepcion, Tarlac, at ang pahinante nito na si Junathan Bacximen Simballa, 44, taga-Binondo, Maynila.

Batay sa ulat, bago naganap ang aksidente, alas- 9:30 ng umaga ay patungo sa direksyon ng city proper ang Elf Forward truck na minamaneho ng nasawi at tinatahak ang palusong na kalsada ng Quezon Ave, sa Brgy. Lalo nang mawalan ito ng preno.

Unang nasalpok nito ang sinusundang isa pang Elf truck na sa lakas ng pagkasalpok ay tumi­lapon sa isang bahay na nasa gilid ng highway.

Nagpatuloy sa pagtakbo ang humahagibis na truck at umabot sa lugar na sakop na ng Angeles Z-1, at nasagasaan ang iba pang sasakyan na kinabibila­ngan ng limang tricycle, dalawang motorsiklo at dalawang kotse, bago tuluyang sumalpok sa isa pang bahay.

Sugatan lahat ang mga driver ng mga binanggang sasakyan at kanilang mga pasahero at isinugod sa iba’t ibang pagamutan sa Tayabas City at  Lucena City.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with