^

Police Metro

DILG sa mga Katoliko: Stay at home, at mag-online mass na lang

Mer Layson - Pang-masa
DILG sa mga Katoliko: Stay at home, at mag-online mass na lang
Ito ang paghihikayat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya sa mga Katoliko kahit pa pinayagan ng pamahalaan ang pagdaraos ng minsan isang araw na religious gathering at pagpapapasok ng mga mananampa­lataya sa mga simbahan ng hanggang sa 10% ng mga kapasidad nito nga­yong Semana Santa.
The STAR/Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — “Manatili na lamang muna sa kani-kanilang mga tahanan at dumalo ng mga online masses nga­yong Mahal na Araw.”

Ito ang paghihikayat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya sa mga Katoliko kahit pa pinayagan ng pamahalaan ang pagdaraos ng minsan isang araw na religious gathering at pagpapapasok ng mga mananampa­lataya sa mga simbahan ng hanggang sa 10% ng mga kapasidad nito nga­yong Semana Santa.

Sinabi pa ni Malaya na ang desisyon ng IATF ay nagpapakita sa buong respeto ng pamahalaan sa right to worship ng mga mananampalataya at pagkilala sa kahalagahan ng spiritual support, pagbabawas ng stress at pagsusulong ng good mental health.

Pinasalamatan din niya ang Archdiocese of Manila sa pakikipagdayalogo sa Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa isyu.

Inatasan na rin naman ng DILG ang Philippine National Police (PNP) at mga barangay na tiyaking maayos na naipatutupad ang mga IATF-approved protocols sa NCR Plus sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na parokya at mga religious denominations.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with